|
Post by khalel610 on Mar 11, 2007 19:40:20 GMT 7
Bianca's Ktext 03/11/07
praise GoD for my 24 years in the world! aaw. hi everyone! maraming salamat sa lahat, lahat ng love and support and greetings ninyo! GoD bless you! and i started my birthday just as it should be, with my family and with GoD, at church. my sunday sharing is: mayaman, mahirap, matanda, bata, mabait, masama.. none are exempt from storms in life. the difference? our faith! strong faith is like a house built on a strong foundation, on rock, so that when the storm comes, the house stays standing, because it was built well. jesus is your LoRd but does he have LoRdship over your life? sana! amen!
|
|
|
Post by calculus on Mar 12, 2007 8:05:30 GMT 7
Bianca's Ktext 03/11/07
hey, hey, hey! what better way to celebrate my birthday than at one of my favorite places to eat, with my mom and sister! yey. andito kami ngayon sa sonya's garden at sooobraaang busog na ako! hahaha. i wanna take this chance para magpasalamat sa inyong lahat, kasi sa totoo lang, nagagawa ko ang mahal ko na trabaho dahil sa love and support ninyong lahat! thank you sa biancsters, gcx-ers, biancanatix, pudgies, hi-five angels, biancaddicts, sa mga forumers, sa pbb fanatics, sa loyal ktexters ko.. thank you, thank you, thank you!!!! sana di kayo magsawa dahil di din ako masasawa to do my work for you guys! GoD bless you all.
|
|
|
Post by calculus on Mar 12, 2007 8:06:03 GMT 7
Bianca's Ktext 03/11/07
'one by one, day by day. inhale, exhale. that's the way.' aaw, GoD is speaking to us! hehe. dumaan kami sa tita madre ko, sister ng mom ko, in their convent and retreat house dito sa tagaytay. nakaka-relax talaga dito grabe. anyway, hi again at bago matapos ang araw, ang exciting pinoy big brother update! two housemates na lang at makukumpleto na ang 14 housemates ni kuya! nasa secret area ng bahay ni kuya ang apat na housemates, bodie, jeremy, maricris, at micah. exciting pero ang hirap ng gagawin nila! please watch later after sharon, and please watch y speak now! thank you again. enjoy my birthday! hehe.
|
|
|
Post by calculus on Mar 12, 2007 16:25:28 GMT 7
Bianca's Ktext 03/12/07
hi everyone! thank you again sa lahat ng nag-greet sakin yesterday! today naman, alam niyo bang birthday ni direk lauren? yes! at may bonggang surprise kami para sa kanya! lahat kami may suot na t-shirt na ganito, 'wala kayo sa lolo ko!' hehe. lolo kasi ang tawag ng lahat sa kanya. happy birthday lolo!! ang pinoy big brother update ko para sa inyo, sina ezekiel at dionne lang ang may alam tungkol sa four secret housemates, at ang strategy nila? kunyari nagkaka-igihan sila para panakip-butas na lagi silang magkasama't nagpaplano.. exciting pag tinatakas nila ang secret housemates!
|
|
|
Post by khalel610 on Mar 12, 2007 20:19:58 GMT 7
Bianca's Ktext 03/12/07
sorry ha, sunod-sunod ktext ko! excited lang ako to share.. ang sweet, yung iba sa kanila, hinubad ang mga bracelet nila para birthday gift daw nila sa akin! sweet no? sobra talagang nakakaaliw angmga bata..bilin ko lagi na mag-aral ng mabuti kaya sana kayo din! today i learned: sa taguig pala, and actually madaming ibang lugar, talagang ayaw nila na tatlo lang sa picture, kasi mamalasin yung nasa gitna! they insist talaga na apat o dalawa, wag lang tatlo! hehe, anyway, i wish you all a good evening.
|
|
|
Post by khalel610 on Mar 12, 2007 21:42:51 GMT 7
Bianca's Ktext 03/12/07
hello again everyone! happy birthday to me, ang saya kasi ilang araw na ang celebration ko! mula miyerkules hanggang ngayon, birthday ko, hehe, what better way to spend my birthday, than my personal project na talagang passion ko.. my ' help kids learn project'! pasko ko ito usually ginagawa, pero ngayon ginawa ko para sa birthday ko. andito ako sa c.p. tinga elementary school sa taguig para mamigay ng school supplies sa mga graduating na grade six students. eto sila sa likod ko, at yung naka-pula, ate lani ko yan, na tumutulong sakin para ayusin lahat. ang saya saya ng mga bata! pero mas pinasaya nila ako. kung gusto niyong mag-suggest, email kayo sa helpkidslearnproject@yahoo.com ha.
|
|
|
Post by calculus on Mar 13, 2007 11:17:58 GMT 7
Bianca's Ktext 03/13/07
good morning from an open field in taguig para sa summer station id ng abs-cbn! kasama ko sa shot si toni and mariel at ang saya kasi kaming tatlo lang! yey, its a girl thing. may kite flying kami, may dancing, at may smiling lang. haha! andito din sa shoot after us sina vhong, makisig at jomar! ang ganda ng station id na to, abangan ninyo. ang init dito grabe pero masaya naman. kamusta kayo ngayon? what's up, kwento naman kayo! oh! sana pala manood kayo sa two-day special ng blog, para sa birthday ko. sweet nila! 630PM sa studio 23.
|
|
|
Post by calculus on Mar 14, 2007 10:55:23 GMT 7
Bianca's Ktext 03/13/07
update time na for pinoy big brother? well, anim nga sa housemates ang may major violations.. kung si franzen ng season one, at bam ng teen edition, napatawan ng forced eviction, pano pa kaya ngayon na mas strikto si kuya? tapos nakakaawa si ezekiel at dionne kasi antok na antok na sila sa kakaalaga sa four secret housemates! sana nasusundan niyo ang season two! nakakatuwa kasi promise. may favorite housemate na ba kayo? or type na housemate? naks. napakakonti lang ng tulog ko kanina kaya pag-uwi ko mamaya, rest na ako. kayo?
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:47:26 GMT 7
Bianca's Ktext 03/14/07
aaw, good morning everyone! nasa akin si presley mula kahapon, at talaga namang pag naiiwan ko siya sa bahay para magtrabaho, nalulungkot talaga ako! parang alam ko na ang feeling ng worried na nanay sa kanyang naiwang anak! hehehe. two learnings ang isha-share ko sa inyo.. yesterday i learned: most corrupt country in asia pala ang pilipinas! ayon yan sa hongkong based research group. ayayay. today i learned: most number of friendster accounts pala in the world ang pilipinas! hehe. kaya ang advice ko, mag-ingat sa iboboto sa mayo, dapat hindi kurakot, at dapat mag-ingat sa fake friendster account.
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:47:59 GMT 7
Bianca's Ktext 03/14/07
hello everyone! welcome dito sa editing bay ng pinoy big brother house. katabi ko dito si kris aquino the editor, at tinuturuan niya ako mag-digitize.. hehe! sinusubukan kong matutong mag-edit. update ko? naku, parang malapit na mabuko ng ilang housemates ang secret housemates na sina jeremy, bodie, micah, at maricris! at pagkatapos ng truth or consequence kagabi na puro bukuhan, tagayan naman ang trip ng housemates! si nel, may dare kay bruce na halikan siya. kamusta naman yun! oh, at ang secret housemates medyo nag-aaway na.. manood kayo mamaya! pati blog! hehe, thank you.
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:48:35 GMT 7
Bianca's Ktext 03/14/07
waaah! we're gonna crash!! haha! ang hirap magmaneho pag may asong pilit ng pilit na magmaneho! hahaha. hello from me and presley. nakakatuwa, fan na fan ako today. nagpabati ako sa breakfast kaninang umaga, at nagpabati ako sa wazzup! hehe. ganun talaga no, hilig magpabati ng mga pinoy. ay! at sa mga gusto palang mag-email sa akin about my personal project, send it to helpkidslearnproject@gmail.com instead of yahoo. yahoo! thank you!
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:49:25 GMT 7
Bianca's Ktext 03/15/07
morning everyone! late ang biyahe ko ngayon kasi coding ang kotse na gamit ko. how are you guys? well, habang stuck ako sa traffic at kayang mag-text, share ko lang sa inyo what i did last night. nag-attend ako ng mid-week worship sa church namin. our pastor was talking about how we handle our emotions. kunyari, may nakagawa ng masama sa iyo, o nasaktan ka. he asked us, 'will you let your emotions take control of your decisions and actions? or will you let the LoRd have LoRdship over your life?' ganda no? totoo naman eh, tao lang tayo, our emotions sometimes get the best of us. pero lahat naman yan nasa plano NiYa para sa atin.
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:50:06 GMT 7
Bianca's Ktext 03/15/07
look who visited me sa blog taping! its direk jemster! yes, direk jem of uplate. binisita niya ako dito sa taping ng blog dahil may editing siya ng going bulilit. haha. sorry, wala pa ring face kasi nahihiya pa siya. sana nanonood kayo ng blog. now na! ang chuck taylor's ko ang item namin para sa closet kaya sana mag-text kayo, malay niyo, kayo ang makakakuha. today i learned: ayus na pampatuyo ng pimples ang tea tree oil! hehe.
|
|
|
Post by calculus on Mar 16, 2007 11:50:40 GMT 7
Bianca's Ktext 03/15/07
check this out! hehe. yan si toni g behind me taping for primetime. kinuha ko ang picture na yan kanina sa big brother house while waiting for 7PM kasi coding ang kotse ko. kamusta kayo? sana nakakain na kayo. pinoy big brother update? as of now, nasa bahay na din ni kuya ang four secret housemates, at okay naman sila so far. exciting ang primetime mamaya kasi makikita niyo na talagang nahuli na ni mickey ang secret! at medyo nag-aaway na sina ezekiel at dionne, dahil sa stress na din. manood kayo mamaya. have a good night!
|
|
|
Post by khalel610 on Mar 16, 2007 17:19:05 GMT 7
Bianca's Ktext 03/16/07
what's up guys? ang bilis ng panahon, tatlong linggo na ang pinoy big brother! grabe no? behind me is the live stream, lunch na ng housemates, at monggo ang ulam nila, parang nagutom tuloy ako. ang update? tumutodo na ang ezekiel-dionne tandem dahil umamin si dionne na medyo nahuhulog na ang loob niya. ilan nman sa housemates tulad nila gee-ann, wendy, robert, nagiging emotional na for different reasons, pagka-miss sa pamilya, pakikisama.. ayun. A anyway, have a good day guys!
|
|